Posts

Showing posts from August, 2018
Image
Alipin ng Dagat Sa bawat usok na makikita sa chimneya Ay ang pag-andar ng malahiganteng makina Sabayan pa ng mga lubid na ubod ng bigat Hudyat na nito ang tawag ng dagat Panibagong araw na naman ang haharapin Mga oras na lilipas ay bibilangin Sariling lakas ay dapat ng ihanda Sapagkat ang karagatan ay sadyang mapagbigla Kalyo sa kamay ay kumakapal na Trabaho parito't paroon, halos wala nang pahinga Mga problemang hinaharap ay agad na solusyunan Upang sakuna sa dagat ay maiwasan Ayan na naman ang alon Sa kalawakan ay patalon talon Naghahanap ng makakalaro At ang bakal na lumulutang ang kanyang tinuro JUVENTUPAS 040118