Alipin ng Dagat
Sa bawat usok na makikita sa chimneya
Ay ang pag-andar ng malahiganteng makina
Sabayan pa ng mga lubid na ubod ng bigat
Hudyat na nito ang tawag ng dagat

Panibagong araw na naman ang haharapin
Mga oras na lilipas ay bibilangin
Sariling lakas ay dapat ng ihanda
Sapagkat ang karagatan ay sadyang mapagbigla

Kalyo sa kamay ay kumakapal na
Trabaho parito't paroon, halos wala nang pahinga
Mga problemang hinaharap ay agad na solusyunan
Upang sakuna sa dagat ay maiwasan

Ayan na naman ang alon
Sa kalawakan ay patalon talon
Naghahanap ng makakalaro
At ang bakal na lumulutang ang kanyang tinuro




JUVENTUPAS 040118

Comments

Post a Comment