ni: Juven T. Tupas
Liwanag ay unti-unting dumidilin
Kasabay ng isip kong lumalalim
Hindi maipinta ang dahilan
Samo't saring emosyon ang naramdaman
Sa bawat sandaling lumilipas
Mga luha sa'king mukha'y tumatagas
Walang dahilan ang biglaang pagtangis
Kusang dumadaloy, animo'y isang batis
Nakaupo sa sulok ng kabina
Nag-iisip, nagtataka
Hindi alam ang gagawin
Sa kalagitnaan ng gabing madilim
Mga luhaang mata'y kinikisap
Panay ang punas, kurap ng kurap
Sa bintana nakatingin, mga bituin kumikislap
Eto ako ngayon nag-iisa, walang makausap
March 26, 2018
0355H
At Sea, From Mexico to Texas
Comments
Post a Comment